by Silent Sanctuary
Para kang asukal, sintamis mong magmahal
Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot
Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawalaKung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw...Di baleng maghapon pang umulan basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa, hinding hindi magsasawa sa iyo
Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawalaKung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin...Bahala na...
Ayoko munang magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana
Kundiman tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo...
Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin
Ay ikaw...